Vicariate of St. Anne
Paunang Salita: Ang mga Hilagang Parokya
Ang Bikarya ni Sta. Ana ng Hagonoy ay kinabubuuan ng siyam (9) parokya: anim na parokya sa Hagonoy, isa sa Calumpit at dalawa sa Paombong. Tatlo ang matatagpuan sa hilaga ng bikarya: Ang Parokya ni San Juan Bautista, Parokya ni San Antonio de Padua at Parokya ni San Jose Manggagawa.
Ang Parokya ni San Juan Bautista sa San Juan, Hagonoy ay may sakop na limang barrio: San Juan, San Isidro Matanda, Tampok (San Isidro Bata) at San Miguel.
Mula naman sa lupain ng Pamilya Bautista sa Hagonoy nabuo ang simbahan ng Iba, Hagonoy - ang Parokya ni San Antonio de Padua. Sakop ng parokyang ito ang tatlong barrio sa Hagonoy na pare-parehas na si San Antonio ang patron: Iba, Palapat at Iba-Ibayo kasama na rin ng ilang barrio ng Kalumpit: Iba Este at Iba Oeste.
Kasama din naman sa bikarya ng Hagonoy ang Parokya ni San Jose Manggagawa sa San Jose, Kalumpit, Bulakan dahil sa kalapitan nito sa Hagonoy. Sakop nito ang mga barrrio ng San Jose, Panducot, Sta. Lucia, Pulo at Meyto sa Kalumpit. Sa kasaysayan, sa barrio ng Meyto unang itinatag ng mga prayleng misyonero ang pagiging Kristyano ng lalawigan ng Bulakan kung saan lumaganap ang pananampalataya sa bayan.
MGA KURA PAROKO AT KATUWANG NA PARI:
Rdo. P. Candido D. Pobre, Jr.
Bikaryo Poraneo
Bikarya ni Sta. Ana de Hagonoy
Kura Paroko
Parokya ni San Juan Bautista
Rdo. P. Von V. Tetangco
Kura Paroko
Parokya ni San Antonio de Padua
Rdo. P. Joselito L. Rodriguez
Kura Paroko
Parokya ni San Jose Manggagawa
MGA HILAGANG PAROKYA NG BIKARYA NI STA. ANA (3):
Parokya ni San Juan Bautista
San Juan, Hagonoy, Bulakan
Kasaysayan ng Parokya
Akda
ni: Sherwin M. Antaran (Parokya ni San Juan Bautista)
Ang
Parokya ni San Juan Bautista ay binubuo ng mga nayon ng San Miguel
Arkanghel, San Isidro (San Isidro Matanda), San Isidro Labrador
(Tampok) at San Juan Bautista, Hagonoy, Bulacan ay itinalaga noong
Ika-23 ng Marso, 1948 bilang isang parokya sa pamamagitan ni Lubhang
Kgg. Michael J. O’Doherty, ika-27 Arsobispo ng Maynila. Nanungkulan
bilang unang Kura Paroko si Rdo. P. Elias Reyes at sinundan nina Rdo.
P. Jose Ingco, Rdo. P. Serafin Riego De Dios, Rdo. P. Antonio
Borlongan at Rdo. P. Generoso Jimenez ay unti-unting ipinagawa ang
simbahang parokyal na ito sa pakikipagtulungan ni Lubhang Kgg. Rufino
Kardinal Santos, ika-29 na Arsobispo ng Maynila at ng mga mamamayang
may mabuting loob sa parokya. at sa paglipas ng panahon, ang
nasasakupan ng parokya ay lumawak na hanggang sa payak na sitio ng
Sapang Bundok na namimintuho sa Ina ng Laging Saklolo.
Dumaan
na rin sa maraming pagsasaayos ang simbahan at mga bisitang
nasasakupan nito, ngunit pinanatiling orihinal ang arkitektura ng
Simbahan, lalo na ang mga aspetong natatangi. kabilang dito ay ang
malaking ukit na kahoy sa altar na Imahe ni San Juan habang
Binibinyagan si Hesukristo sa Ilog Jordan kasama ang Espiritu Santo
na nag anyong kalapati na bumaba mula sa langit. at katulad rin sa
iba pang mga parokya sa iba`t-ibang lugar. Hindi rin matatawaran ang
mga pagtulong ng mga mamamayan ng San Juan sa kanilang kontribusyon
sa pagtatatag at pangangalaga ng naturang simbahan, kabilang rito ay
ang Pamilya Cruz, sa pangunguna ng namayapa nang si Doña Lourdes
Lontoc-Cruz. Ang kanilang pamilya ay naging tagapagtangkilik ng
Parokya sa mahabang panahon at hanggang sa kasalukuyan at panalangin
ng buong sambayanan at mga mananampalataya ng Parokya ni San Juan
Bautista. Marami pa sanang katulad nila ang ipanganak sa ating bayan
at maging bukas ang puso at isipan sa pagtulong at pagpapaunlad ng
pagsamba sa ating Panginoon, ang Diyos ng walang hanggan.
Matapos
ang maraming paring naglingkod, kasalukuyang Kura Paroko si Rdo. P.
Candido "Diune" D. Pobre, Jr. na siya ring Bikaryo Poraneo
ng Bikarya ni Sta. Ana. Sa kanyang panunungkulan, sinimulan na
rin ang isang malaking pagbabago at pagsasaayos ng bahay dalanginan,
ang kaniyang pinakamalaking proyekto sa kasalukuyan. Pagkatapos ng
pagkukumpuni sa mga nasira ng bubong at pasilidad sa pangunahing
gusaling sambahan ay ang pagtatayo ng bagong kumbento ng parokya, si
P. Pobre din ang nagtatag sa kauna-unahang pagkakataon ng komisyon ng
Mass Media sa Parokya. Pinatli rin niya ang mga debosyon ng mga
mananampalataya kung saan kasama ang pamimintuho sa patron ng parokya
na si San Juan Bautista.
Ang Simbahan
Ang
Parokya ni San Juan Bautista ang mahahanap na simbahan sa norte ng
bayan ng Hagonoy. Isa ito sa mga pinakaloobang lugar sa bayan at ang
daan patungo sa bayan ng Kalumpit. Hindi pa nababago ang itsura ng
simbahang ito kaya naman nandito pa rin ang disenyo ng simbahan na
noon pa man ay hindi pa naiiba. Itinatag po ito noong 1948 at
kinabubuuan ng apat na barrio. Nakaukit sa harapan ng simbahan ang
maikling kasaysayan nito kasama na ang mga naging Kura Paroko rito.
Isa sa mga kurang nakatala, si Rdo. P. Jose Flores Ingco ay
tubong-Hagonoy. Bukod sa kanya naging Kura Paroko rin dito ang isa
pang paring tubong-Hagonoy, si Rdo. P. Juan Benedicto Rodriguez
Santos, Jr. na mas kilala sa palayaw na “Fr. Dick.” Inayos naman
ang patio kamakailan lamang at linagyan ng grotto ng Mahal na Birhen
ng Lourdes at ng imahen nina San Juan Bautista at ng Panginoong Jesus
noong pagbibinyag sa Kanya. Pati ang bakod ng patio ay ipinagawa
upang mas gumanda ang paligid ng simbahan.
Sa
loob naman kapansin-pansin ang haba ng parokya kasama na ang
kakaibang itsura ng kisame. Ang retablo sa sanktuwaryo ay
nagmimistulang isang malaking imahen ng pagbibinyag sapagkat isa
itong buong ukit ng kahoy na siyang naging sentro ng pananalangin sa
loob ng matagal na panahon. Sinusuportahan rin ang wooden
relief na
ito ng mga anghel na nagdiriwang ng may galak sa pagbaba ng Espiritu
Santo. Iniilawan naman ng mga chandelier ang
simbahan, tanda ng kanyang pagkaluma. May laman rin itong antigong
imahen ng Panginoong nakapako sa Krus na pinaparangalan ng mga deboto
at parokyano tuwing araw ng pagsamba.
Isa
ring katangi-tanging kayamanan sa parokya ang gawing binyagan sa
kanang gilid ng simbahan. Dito makikita ang isang antigong imahen ni
San Juan Bautista. Nakapaloob ito sa isa rin namang antigong retablo
na gawa sa bakal. Tunay nga na isa itong napakagandang laman ng
simbahang bukod- tangi sa disenyo at porma.
Mga Sakop na Bisita (3):
Bisita
ni San Isidro Labrador
San
Isidro, Hagonoy, Bulakan
Dalawa
ang bisita ni San Isidro Labrador sa bayan ng Hagonoy. Ang una sa mga
ito ang mahahanap sa mismong barrio ng San Isidro. Kaya naman upang
makaumpara ang isa sa isa pa, tinawag ito sa mga katagang “matanda”
at “bata.” Kaya naman ang bisita ni San Isidro Labrador sa barrio
ng San Isidro ay tinatawag na San Isidro Matanda. Malaki ang bisitang
ito bago lamang ang pagkakagawa kasama ng mga bintanang stain
glass na
inilagay dito.
Sa
looban naman makikita ang isang magandang pagkita sa krus na banal na
nagliliwanag mula sa isang bintana sa gitna ng pader sa sanktuwaryo
na nagmimistulang ilaw ng kaligtasan. Nasa ibaba nito ang lumang
imahen ni San Isidro Labrador na patron dala ng mga ani na palay na
mas laganap sa gawi na iyon ng bayan. Kasama naman nito ang mga
imahen ng Kabanal-banalang Puso ni Jesukristo at ang
Kalinis-linisang Puso ng Mahal na Birhen. Makikita rin ang mga
prineserbang mga bahagi ng kapilya tulad na lamang ng mga lumang
chandelier.
Bisita
ni San Isidro Labrador
Tampok,
Hagonoy, Bulakan
Ang
bisita naman sa barrio ng Tampok, Hagonoy ang tinatawag na San Isidro
Bata. Sapagkat ito naman ang mas nakababatang kapilya. Ang kapilyang
ito ay moderno na rin ang itsura. Ngunit pinatili pa rin ang mga
pangitsurang luma rito tulad na lamang ng kulay old
rose na
mga pader ng patsada nito. Mayroon rin itong mga magagandang bintana
na nagbibigay liwanang sa loob ng bisita. Sa labas naman ng simbahan
(bagamat hindi kita sa larawan) makikita ang isang malaking imahen ni
San Isidro Labrador na pawang nagsasaka sa isang platform
na
mukhang isang bukid.
Bisita
ni San Miguel Arkanghel
San
Miguel, Hagonoy, Bulakan
Ang
bisita ni San Miguel Arkanghel ay makikita naman sa daan patungong
San Juan mula sa barrio ng San Agustin, Hagonoy. Ito ang nagsisilbing
daanan patungong San Juan at Kalumpit sa Hilaga at papuntang Palapat
at Iba sa Silangan. Ang kapilyang ito ay naging dagdag na sakop ng
Parokya ni San Juan matapos rin ang ilang taon. Sa labas ng simbahan,
makikita ang isang lumang patsada na dinadala ng kakaiba hugis ng
arko nito. Kasama din dito ang magandang pintuang bakal na may mga
letrang Griyego na kung tawagin ay Chi
Rho na
nagsisimbolo sa Panginoong Hesukristo.
Sa
looban naman makikita ang kalumaan ng simbahan dala ng itsura ng mga
kisame nito. Makikita naman sa harapan ng sanktuwaryo ang isang
napakagandang retablong itinatanghal ang Kristong nakapako at sa
ibaba naman ay ang patrong si San Miguel Arkanghel.
Parokya ni San Antonio de Padua
Iba, Hagonoy, Bulakan
Ang Simbahan
Parokya
ni San Antonio de Padua naman ang isa sa mga unang naitatag na
parokya sa bayan. Kinabubuuan ito ng apat na barrio ng Hagonoy at
dalawa naman sa Calumpit. Isa ito sa mga malalayo ngunit mauunlad na
parokya na natatangi sa lalawigan sa pagiging patronato kay San
Antonio de Padua. Ang lupaing ito ay dating pamamayari ng Pamilya
Bautista ng Malolos. At dahil sa kanilang kabutihang loob, minabuti
ng pamilya na paunlarin ang pananampalataya sa lugar sa pamamagitan
ng pagtulong sa pagbuo ng parokya at pagpapadestino ng paring
tagapamahala dito. Dala pa rin ng simbahan ang sinauna nitong itsura
at unti-unting pinalaki hanggang sa ngayon sa pagpapahaba sa harapan
nito. Kaya naman kapansin-pansin na ang kampanaryo ng simbahan ay
nasa gitna dala ng pagkakadagdag sa istraktura.
Ang
retablo mayor ng Parokya ni San Antonio de Padua ang isa sa mga
pinakamagagandang bagong paggawang istraktura na nagpapakita ng
angking ganda. Dala ito ng pagsisikap ni Rdo. P. Prospero V. Tenorio
na siyang kasalukuyang Kura Paroko. Laman nito ang mga elemento ng
debosyon sa lugar ng Iba, Hagonoy. Makikita sa gitna ang sinaunang
imahen ni San Antonio de Padua dala-dala ang sanggol na si Hesus. Sa
tabi ng patron ang isa pang kinagigiliwan na imahen ng debosyon sa
parokya: ang Kamahal-mahalang Puso ni Hesus at ang Kalinis-linisang
Puso ni Maria. Pinalaganap sa parokya ng Iba ang debosyon sa dalawang
puso na inaalala tuwing unang Biyernes at Sabado ng buwan. At tunay
na nagpapakita ito ng angking ganda ng debosyon at panalangin sa
lugar.
Ang
mga retablo naman sa gilid ng retablo mayor ay may mga natatangi ding
detalye. Makikita sa retablo sa kaliwa ang mga Pransikanong santo na
sina Sta. Clara at San Francisco ng Assisi na kaorden ni San Antonio.
Sa kanan naman si Sta. Ana, ina ng bayan at patrona ng bikarya ng
Hagonoy.
Ang
mga gilid naman ng mga pader ng Simbahan ay puno ng mga bahagi ng
buhay ni San Antonio. Kasama rito ang kanyang pagtulong sa kanyang
kapwa at mga pagkita sa sanggol na si Kristo. Nandito din ang
kasaysayan ng kanyang mga mabubuting gawa tulad ng pagtulong sa mga
taong nangangilangan, atbp.
Mga
Sakop na Bisita (5):
Bisita
ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario
Carillo,
Hagonoy, Bulakan
Ang
Bisita ng Nuestra Señora del Santissimo Rosario sa Carillo, Hagonoy
ay isa sa mga pinakasimpleng kapilya sa mga simbahang sakop ng bayan.
Ngunit sa pagsisikap ng mga mananampalataya dito, nagkakaroon ng mga
pagpapabago sa simbahan tulad na lamang ng pagpipintura dito ng kulay
asul. Tuwing Oktubre ng bawat taon ipinagdiriwang ang kapistahan dito
kaalinsabay ng pagdiriwang ng parokya din ng parehong patrona sa Sto.
Rosario, Hagonoy.
Bisita
ni San Antonio de Padua
Iba-Ibayo,
Hagonoy, Bulakan
Isa
ito sa dalawang bisita ng Hagonoy na nakapangalan din sa parokya ng
Iba bilang nasa ilalim ng pamimintuho kay San Antonio de Padua. Dala
ng pagiging deboto ng mga mananampalataya sa Iba sa kanya, minarapat
ng mga taga-Iba-Ibayo na dahil sila ay ibayo na ng bayan. magkaroon
din sila ng simbahan para sa Diyos sa pamamatnubay ni San Antonio de
Padua. Naging napakasagana ang bisitang ito at taun-taon kaalinsabay
ng kapistahan ng parokya, ipinagdiriwang din ang kapistahan sa
barriong ito.
Bisita
ni San Antonio de Padua
Palapat,
Hagonoy, Bulakan
Ito
ang pangalawang bisita na nasa pamamatnubay ni San Antonio de Padua
na sakop din ng Parokya ni San Antonio de Padua ng Iba. Simple lamang
ang disenyo ng bisitang ito ngunit may sakop din itong iba pang mga
kapilya sa loob din ng barrio ng Palapat dala ng dami ng mga
mananampalataya dito. Isa sa mga minarapat ayusin dito ay ang itaas
ng kapilya kung saan inilagay ang isang stain
glass ng
patron na si San Antonio, tanda ng kanyang pagiging gabay sa
sambayanan ng Diyos sa barrio ng Palapat, Hagonoy.
Bisita
ni San Isidro Labrador
Iba
Oeste, Calumpit, Bulakan
Bisita
ni San Isidro Labrador
Iba
Este, Calumpit, Bulakan
Halos
kapangalan ng mga barrio ng Iba at Iba-Ibayo, ang dalawang bisita na
ito ng bayan ng Kalumpit na malapit sa Hagunoy ay sakop ng Parokya ni
San Antonio de Padua. Parehas na nagpipista ang dalawang bisita na
ito tuwing ika-15 ng Mayo taun-taon. Magkaiba ang kaayusan ng
dalawang bisita: ang bisita ng Iba Oeste ay mas maliit kaysa sa nasa
Iba Este. Parehas na malapit ang dalawang lugar na ito sa mga hardin
at mga bukid kaya naman itinalaga ang mga bisita na ito sa patron ng
mga magsasaka.
Parokya ni San Jose Manggagawa
San Jose, Calumpit, Bulakan
Ang Simbahan
Bagamat
bahagi ng bayan ng Kalumpit, Bulakan, ang parokya ni San Jose
Manggagawa ay nabuo mula sa pagsasama ng ilang mga bisita ng Kalumpit
na nasa pangangalaga noon ng Parokya ni San Juan Bautista, Hagonoy at
Parokya ni San Juan Bautista, Kalumpit. Makikita ang parokyang ito sa
gawing kabukiran ngunit isa siya sa pinakamagagandang simbahan sa
bikarya ng Hagonoy.
Sa
loob naman makikita ang kakaibang mga pigura tulad na lamang ng mga
miyural sa kisame at ang simple ngunit magandang retablo. Makikita sa
mga miyural ang mga kaganapan sa buhay ni Kristo, lalo na noong siya
musmos pa lamang sapagkat dito sila nagkasama ng kanyang ama-amahan
na si Jose. Kapnsin-pansin na sa kanang bahagi ng miyural ay ang
nagkakarpinterong Jose na kasama ang kanyang anak. Gayundin naman ang
retablo na may mga imahen ng nakapakong Kristo at ng patron na is
Jose, tanda ng mabungang pagsasama ng anak at ng kanyang
tagapangalaga sa lupa.
Mga
Sakop na Bisita (3):
Bisita
ng Nuestra Señora del Carmen
Meyto, Calumpit, Bulakan
Kilala
ang Meyto sa pagiging unang lugar na kung saan yumabong ang
pananampalatayang Katoliko sa lalawigan ng Bulakan. Ngunit para sa
mga mananampalataya mismo sa lugar na ito, nagkaroon ng isang bagong
kapilya at hindi isang lumang simbahan. Ilinagay ito sa pamamatnubay
ng Mahal na Birhen ng Bundok ng Karmelo.
Malapit
lang sa bisita ng Meyto ang itinayong pangkasaysayang dambana kung
saan makikita ang replika ng krus na unang itinayo ng mga prayleng
Agustino noong taong 1572 na kung kailan unang naitatag ang Simbahang
Katoliko sa Bulakan. Nakatayo ito sa pampang ng ilog na kung saan
unang bumaba ang mga misyonero at ang mga sundalong Kastila.
Bisita
ng Birheng Presentacion
Panducot, Calumpit, Bulakan
Ayon
sa kasaysayan ng Kalumpit, Bulakan, ang Birheng
Presentacion ang
masasabing unang patrona ng lalawigan ng Bulakan. Ngunit ang bisitang
kinalalagyang ng orihinal na imahen ay nasa kamay ng mga Aglpiyano.
Kaya namang isang bagong kapilya ang itinayo sa ngalan din ng Birheng
Presentacion ang itinayo para sa mga mananampalataya ng Panducot,
Kalumpit. Isa sa mga tanda ng kasaysayan na nananatili sa bisita ay
ang sinaunang kampana na nagtatagal na ng ilang daang taon.
Bisita
ng Nuestra Señora del Lourdes
Pulo, Calumpit, Bulakan
Isa
din sa mga bagong gawang parokya ang simbahan ng Birhen ng Lourdes sa
Pulo, Kalumpit. Kakaiba ang pigura ng simbahan sapagkat ang pintuan
nito at patsada ay makikita sa kanang gilid nito. Isa ito sa tatlong
bisita na sakop ng Parokya ni San Jose Manggagawa na nakatalaga sa
Mahal na Birhen Maria.
Bisita
ni Sta. Lucia
Sta.
Lucia, Calumpit, Bulakan
Ang
Bisita ni Sta. Lucia ay sikat sa pagkakaroon ng isa sa mga
pinakasikat na santang patrona. Si Sta. Lucia ay tinatawag upang
manalangin laban sa iba't ibang sakit lalo na sa sakit sa mata.
Dinarayo ang bisitang ito, lalung-lalo na tuwing ika-13 ng Disyembre,
ang kapistahan ng santa. Ang luparing sinasakupan nito ay mga bukirin
ng Kalumpit at isa ito sa mga daanan papuntang kabayanan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento