Roman
Catholic Diocese of Malolos
Vicariate
of St. Anne
Hagonoy,
Bulacan
English:
The Vicariate of St. Anne of Hagonoy is composed of nine (9) parishes: six parishes in Hagonoy, one from Calumpit and two in Paombong, Bulacan. The Parish of St. Anne in Hagonoy is considered as the oldest and first among the parishes. It was dedicated as a national shrine for St. Anne in the country in 1991. At present it is already about 430 years as a Church of the Lord and 20 as a sanctuary or center of devotion to Sts. Anne and Joachim in the country. This parish covers six (6) barrios of Hagonoy: Sto. Niño, Sta. Monica, San Jose, San Sebastian, San Agustin at San Nicolas.
Next to it is the Parish of Our Lady of the Holy Rosary in Sto. Rosario, Hagonoy. This parish covers the barrios of Sto. Rosario, San Pascual, Sta. Cruz, San Roque and Mercado.
After it is the Parish of St. Helena the Empress in Sta. Elena, Hagonoy. It is one of the unique churches of the province of Bulakan due to its tutelage from St. Helena the Empress, mother of the Emperor Constantine. It covers the barrios of Sta. Elena, Sagrada Familia, Pugad and Tibaguin.
From the lands of the Bautista Family of Malolos came the Parish of St. Anthony of Padua on the other hand can also be considered as unique in the province due to the people's devotion to its patron saint. It covers three barrios in Hagonoy and two in Calumpit: Iba, Palapat, Iba-Ibayo and Carillo in Hagonoy and Iba Este and Iba Oeste in Calumpit.
The Parish of St. John the Baptist in San Juan, Hagonoy covers four barrios: San Juan, San Isidro (Matanda) Tampok (San Isidro Bata) and San Miguel.
The youngest and newest among the parishes in Hagonoy is the Parish of Ina ng Laging Saklolo (Mother of Perpetual Help) established in 1998. It covers the barrios of San Pedro, San Pablo, Abulalas and San Isidro II. of Paombong.
Also included in the vicariate of Hagonoy is the Parish of St. Joseph the Worker in San Jose, Calumpit, Bulacan due to its proximity from Hagonoy. Under this are the barrios of San Jose, Panducot, Sta. Lucia and Meyto in Calumpit. In history, the barrio of Meyto is where the first missionary friars established Christianity in the province of Bulacan.
Like the Parish of St. Joseph the Worker in Calumpit, the parishes of Paombong have been included in the vicariate last July 30, 2012. The Parish of St. James the Apostle in Paombong is one of the first parishes to be established that was then part of Malolos in 1619. It is also one of the famous parishes in Bulacan due to the devotion of the faithful here to the Our Lady of Consolation and the Cincture who appeared to St. Augustine to give the cincture that has become part of the habit of the Augustinian Order that established the parish in Paombong. This parish covers the barrios of Kapitangan, Pinalagdan, Sto. Rosario, Sto. Niño, Poblacion, San Vicente, Malumot, San Isidro I. at San Roque.
South of Paombong, one can see the Parish of the Holy Cross. Due to its location on an island, it is a mission parish cared for by one priest. It was established in 1997 and since then has become the community celebrating as one parish. This island covers the barrios of Binaksa, San Jose and Masukol.
Roman Catholic Diocese of Malolos
Bikarya ni Sta. Ana
Hagonoy, Bulakan
Filipino:
Kinabubuuan ang
Bikarya ni Sta. Ana ng Hagonoy ng siyam (9) na parokya:
anim na parokya sa Hagonoy, isa sa Kalumpit at dalawa sa Paombong, Bulakan. Ang pinakamatanda at
pinakauna sa mga ito ay ang Parokya ni Sta. Ana sa Hagunoy. Itinalaga ito bilang Pambansang Dambana ng Pilipinas noong
1991. Sa kasalukuyan ay 430 taon na ito bilang isang Simbahan ng
Panginoon at 20 taon bilang sanktuwaryo para sa debosyon kina Apo Ana
at San Joaquin sa bansa. Anim ang sakop nitong mga barrio ng bayan ng
Hagunoy: Sto. Niño, Sta. Monica, San Jose, San Sebastian, San
Agustin at San Nicolas.
Sumunod
naman dito ang Parokya ng Mahal na Ina ng Santissimo Rosario na
mahahanap sa Sto. Rosario, Hagonoy. Sakop ng parokyang ito ang mga
sumusunod na barrio: Sto. Rosario, San Pascual, Sta. Cruz, San Roque
at Mercado.
Kasunod
naman dito ang Parokya ni Sta. Elena Emperatris sa Sta. Elena,
Hagonoy. Isa ito sa mga natatanging parokya sa lalawigan sapagkat ito
lamang ang nakatalaga kay Apo Elena, ina ng Emperador Konstantino.
Sakop nito ang mga barrio ng Sta. Elena, Sagrada Familia, Pugad at
Tibaguin.
Ang
Parokya naman ni San Juan Bautista sa San Juan, Hagonoy ay may sakop
na limang barrio: San Juan, San Isidro Matanda, Tampok (San Isidro
Bata) at San Miguel.
Mula
naman sa lupain ng Pamilya Bautista sa Hagonoy nabuo ang simbahan ng
Iba, Hagonoy - ang Parokya ni San Antonio de Padua. Sakop ng
parokyang ito ang tatlong barrio sa Hagonoy na pare-parehas na si San
Antonio ang patron: Iba, Palapat at Iba-Ibayo kasama na rin ng ilang
barrio ng Kalumpit: Iba Este at Iba Oeste.
Ang
pinakabago at pinakabata naman sa mga ito ang Parokya ng Ina ng
Laging Saklolo sa San Pedro na naitatag nuon lamang 1998. Sakop nito
ang mga barrio ng San Pedro, San Pablo at Abulalas sa Hagonoy at San
Isidro II. sa Paombong.
Kasama
din naman sa bikarya ng Hagunoy ang Parokya ni San Jose Manggagawa sa
San Jose, Calumpit, Bulakan dahil sa kalapitan nito sa Hagonoy. Sakop
nito ang mga barrrio ng San Jose, Panducot, Sta. Lucia, Pulo at Meyto
sa Calumpit. Sa kasaysayan, sa barrio ng Meyto unang itinatag ng
mga prayleng misyonero ang pagiging Kristyano ng lalawigan ng Bulakan
kung saan lumaganap ang pananampalataya sa bayan.
Tulad ng Parokya ni San Jose Manggagawa ng Calumpit, nakasama din ang mga parokya ng Paombong sa bikarya noong ika-30 ng Hulyo, 2012. Isa ang Parokya ni Santiago Apostol ng Paombong sa mga unang naitayo na parokya na noon ay sakop ng Malolos noong 1619. Isa din ito sa mga sikat na parokya sa Bulakan dala ng debosyon ng mga mananampalataya dito sa Nuestra Señora dela Consolacion y Correa o ang birhen na nagpakita kay San Agustin upang ibigay dito ang correa o "cincture" na naging kasuotan ng orden ng mga Agustino na nagtatag ng Simbahan ng Paombong. Sakop nito ang mga barrio ng Kapitangan, Pinalagdan, Sto. Rosario, Sto. Niño, Poblacion, San Vicente, Malumot, San Isidro I. at San Roque.
Sa Timog na bahagi naman ng Paombong makikita ang Parokya ng Sta. Cruz. Dahil nasa isla ito, isa itong mission parish na pinangangalagaan ng isang pari. Itinatag ito noong 1997 at simula noon nagdiriwang na ang pamayanan dito bilang iisang parokya. Sakop ng parokyang isla na ito ang Binaksa, San Jose at Masukol.
Naalis ng isang administrator ng blog ang komentong ito.
TumugonBurahin